Two-Day Seminar para sa mga KKDAT members, isinagawa sa Kawayan National Heroes Institute sa Leyte

Matagumpay na isinagawa ang Kabataan Kontra Droga At Terorismo Two-Day Seminar na aktibong dinaluhan ng mga mag-aaral ng Kawayan National High School na ginanap sa Kawayan, Kananga, Leyte nitong September 3-4, 2025.
Ang aktibidad ay pinangunahan ng Kananga Municipal Police Station, sa aktibong suporta ng Local Governmet Unit ng Kananga, sa pamumuno ni Manuel Vicente M. “Mat” Torres, Alkalde ng nasabing Lugar.

Gayundin, ang mga tauhan mula sa 93rd Infantry Battalion, Philippine Army ay nagsilbing resource speaker na tumalakay sa kamalayan at pag-iwas sa terorismo.
Sa pamamagitan ng symposium na ito, ang mga kalahok ay may kaalaman, pagpapahalaga at mga kasanayan sa pamumuno na kailangan upang labanan ang impluwensya ng iligal na droga at terorismo, habang pinagtitibay ang pagiging responsableng mamamayan, pagkakaisa, at aktibong pakikilahok sa mga aktibidad na makakatulong sa pagpapaunlad ng bansa.