31st National Crime Prevention Week, isinagawa sa Julita National High School sa Leyte

Aktibong nakilahok ang mga mag-aaral na Grade 10-Edison ng Julita National High School
sa isinagawang symposium kaugnay sa pagdiriwang sa 31st National Crime Prevention Week 2025 na ginanap sa Poblacion District IV, Julita, Leyte nito lamang Setyembre 4, 2025.

Ang aktibidad ay inisyatiba ng mga tauhan ng Julita Municipal Police Station sa pamumuno ni Police Captain Esteven M Pagtabunan, Acting Chief of Police kasama si Ms. Thelma V. Vacal, subject teacher ng Grade 10-Edison ng nasabing paaralan.

Tinalakay sa pagpupulong ang tungkol sa Anti-Child Abuse, Anti-Bullying Act, Drug Awareness, EO 70 o ELCAC, Anti-Rape Law, Crime Prevention Safety Tips at ang bagong programa ng PNP, ang 911 5-Minute Response Time.

Ang pagtaas ng police visibility sa mga paaralan ay bahagi ng mas malawak na inisyatiba ng PNP na naglalayong tiyakin ang kaligtasan ng mga mag-aaral at palakasin ang partnership sa pagitan ng mga tagapagpatupad ng batas at mga lokal na komunidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *