BPATs, nakiisa sa isinagawang lecture bilang pagdiriwang ng ika-31 National Crime Prevention Week sa Bayan ng San Agustin, Isabela

Aktibong nakiisa ang mahigit 70 miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Teams (BPATs) sa isinagawang lecture bilang pagdiriwang ng ika-31 National Crime Prevention Week sa San Agustin Community Center, Brgy. Centro Norte, San Agustin, Isabela nito lamang ika-3 ng Setyembre, 2025.

Pinangunahan ni PMaj Juan Dela Cruz, Chief of Police ng San Agustin Police Station, katuwang sina PMaj Babyrose P. Cajulao, C, CAS/FJGAD ng RCADD, at PCpt Terrence Tomas, Asst. C, PCADU, kasama ang iba pang lokal na opisyal ng barangay ang nasabing aktibidad.

Tinalakay sa programa ang mahahalagang batas gaya ng RA 9262 (Anti-Violence Against Women and their Children), RA 7610 (Anti-Child Abuse Law), RA 8353 (Anti-Rape Law) at RA 11313 (Safe Spaces Act/Anti-Bastos Law) na ipinaliwanag ni PMaj Cajulao. Ipinaabot naman ni PMSg John Reyes, PCR PNCO, ang masamang epekto ng ilegal na droga sa ilalim ng RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).

Bukod dito, tinalakay rin ni G. Roberto dela Peña, MLGOO, ang mga pangunahing tungkulin at responsibilidad ng BPATs sa pagpapanatili ng kapayapaan at seguridad sa kani-kanilang barangay.

Layunin ng aktibidad na ito na higit pang mapalakas ang kaalaman at kakayahan ng mga BPATs bilang katuwang ng kapulisan sa pagpapatupad ng mga programa laban sa kriminalidad, at magsilbing inspirasyon upang maisulong ang ligtas, maunlad, at mapayapang pamayanan tungo sa Bagong Pilipinas.

Source: PNP Isabela

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *