Edukasyong Pangkaligtasan at Pagkakaisa, tampok sa Crime Prevention Week sa Mawab, Davao de Oro

Tampok sa pagdiriwang ng ika-31 National Crime Prevention Week ang edukasyong pangkaligtasan at pagkakaisa na tinalakay ng mga tauhan ng Mawab Municipal Police Station sa Purok 6, Jama’ah Rasheda, Brgy. Tuboran, Mawab, Davao de Oro noong Setyembre 3, 2025.

Naging tampok sa programa ang lecture ng MDRRMO sa pangunguna nina Mr. Eddie Vermie Belangoy Jr. at Mr. Dinners H. Cortez tungkol sa Basic Life Support at First Aid—mga kaalaman na mahalaga sa panahon ng sakuna.

Nagbigay rin ng inspirasyonal na talakayan si PSSg Joenard L Servano, PCR PNCO, ukol sa layunin ng SALAAM Police Advocacy Group (SPAG), na isinusulong ang kapayapaan, pagkakaisa, at tiwala sa pagitan ng pulisya at komunidad, lalo na ng mga kabataan.

Lubos ang pasasalamat ng Mawab PNP sa mga miyembro ng SPAG na nagsisilbing katuwang sa pagpapatupad ng mga programang pangkaayusan at pangkapayapaan sa lugar. Ang kanilang suporta ay mahalagang bahagi ng tagumpay ng mga adbokasiya ng pulisya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *