Mga Barangay Tanod, nakilahok sa Interactive Forum ng Bustos PNP

Aktibong nakilahok ang mga Barangay Tanod sa isinagawang Interactive Forum ng mga tauhan ng Bustos Municipal Police Station sa Brgy. Tibagan, Bustos, Bulacan nito lamang Miyerkules, ika-3 ng Setyembre 2025.
Pinangunahan ang aktibidad ni Police Major Mark Anthony E Tiongson, Acting Chief of Police ng nasabing istasyon.
Sa pagpupulong, binigyang-diin ni PMaj iongson, ang 5-minute response time policy ng PNP upang matiyak ang maagap na aksyon ng kapulisan.


Ipinaalala rin nito ang mahigpit na pagpapatupad ng mga ordinansa laban sa noise nuisance at noise pollution, at hinikayat ang kooperasyon ng komunidad para sa kapayapaan at kaayusan.
Tinalakay rin ang mga programa ng PNP para sa seguridad ng pamayanan at wastong paghawak ng mga kasong sakop ng Katarungang Pambarangay, kabilang ang Violence Against Women and Children (VAWC).
Patuloy ang Bustos PNP sa pagpapatupad ng mga programang naglalayong palakasin ang ugnayan at pagtutulungan ng kapulisan at ng komunidad upang higit pang mapatatag ang kaayusan at kaligtasan sa kanilang nasasakupan.