Mga Mag-aaral ng San Pablo City, nakiisa sa Lektyur ukol sa Child Protection Policy at 911 Emergency Hotline

Matagumpay ang isinagawang Lecture ng mga tauhan ng San Pablo Component City Police Station para sa mga mag-aaral ng San Lucas 1 Elementary School, Brgy. San Lucas 1, San Pablo City, Laguna nito lamang ika-3 ng Setyembre 2025.

Tinalakay sa nasabing programa ang Child Protection Policy at ang kahalagahan ng tamang paggamit ng 911 Emergency Hotline. Hindi lamang ang mga guro ang nakibahagi kundi maging ang mga mag-aaral, na aktibong nakilahok sa talakayan sa pamamagitan ng kanilang mga tanong, sagot, at pagbabahagi ng sariling karanasan tungkol sa kaligtasan at pangangalaga sa sarili.

Sa pamamagitan ng aktibong paglahok ng mga mag-aaral, higit na naging makabuluhan ang nasabing aktibodad na naglalayong palakasin ang kaalaman ng kabataan tungkol sa proteksyon at kaligtasan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *