Symposium Activity, isinagawa sa Campalanas National High School sa Siquijor

Isinagawa ng Speaker’s Bureau ng Lazi Municipal Police Station ang isang makabuluhang Symposium na tumalakay sa Drug Awareness and Prevention, Anti-Bullying, RA 7610 (Proteksiyon laban sa Pang-aabuso sa Kabataan at Kababaihan), Crime Prevention, at mga Safety Tips para sa mga Senior High School students ng Campalanas National High School, Brgy. Campalanas, Lazi, Siquijor, noong ika-4 ng Setyembre 2025.

Pinangunahan ang aktibidad nina PSMS Analyn Gapol, CADS PNCO, PMSg Adrian Jumalon, Investigation PNCO, at PSSg Arjiemae Dulduco, WCPD PNCO, sa ilalim ng superbisyon ni PCPT Roberto A. Anulacion, ACOP ng Lazi MPS.

Sa kanilang pagbabahagi, tinalakay ang mahahalagang kaalaman at praktikal na gabay na makakatulong sa mga kabataan sa pang-araw-araw na buhay.

Layunin ng nasabing symposium na bigyang kamalayan ang mga kabataan tungkol sa masasamang epekto ng ipinagbabawal na gamot, mga panganib ng bullying, at ang kahalagahan ng pagsunod sa mga umiiral na batas na nagpoprotekta sa kanilang karapatan.

Higit pa rito, ibinahagi rin nila ang mga paraan upang mapanatili ang kaligtasan sa loob ng paaralan at komunidad.

Sa pamamagitan ng ganitong mga gawain, ipinapakita ng kapulisan ng Lazi MPS ang kanilang matibay na paninindigan na maging katuwang ng mga kabataan at mga guro sa pagtataguyod ng ligtas, disiplinado, at maayos na kapaligiran para sa mas maliwanag na kinabukasan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *