Mag-aaral ng Cagasat National High School, Nakilahok sa isinagawang Symposium ng Cordon PNP

Aktibong nakiisa ang mahigit 100 na mag-aaral sa isinagawang symposium na ginanap sa covered court, Cagasat National High School nito lamang ika-5 ng Setyemre 2025.

Pinangunahan ng Cordon Police Station ang aktibidad sa pamumuno ni PMaj Danilo A. Malab Jr., Officer in Charge, katuwang ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan.

Tinalakay ni PCpl Madelyn Maguide, WCPD PNCO, ang mahahalagang batas gaya ng Anti-Bullying, RA 9262 (Violence Against Women and Their Children Act of 2004), at RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).

Layunin ng symposium na ito na hikayatin ang mga mag-aaral na maging mapagmatyag at aktibong makialam sa pagsugpo ng bullying, karahasan, at paggamit ng iligal na droga sa kanilang paaralan, tahanan, at komunidad tungo sa Bagong Pilipinas.

Source: PNP Isabela

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *