Coastal at Marine Research Training, isinagawa sa Taytay, Palawan
Nagsagawa ng coastal at marine research training ang Palawan Council for Sustainable Development Staff (PCSDS) at Sulubaai Environmental Foundation sa Taytay, Palawan nito lamang Setyembre 5, 2025.
Natutunan ng mga kalahok ang tamang paraan ng coast walk at beach profiling upang masuri ang kalagayan ng baybayin. Bahagi rin nito ang pagkilala sa mga natatanging bakawan gaya ng Scyphiphora hydrophyllacea at Lumnitzera littorea, gayundin ang pag-unawa sa kahalagahan ng blue carbon ecosystems sa pagsipsip ng carbon dioxide at pagtugon sa banta ng climate change.

Samantala isa sa mga nakilahok sa naturang aktibidad ang mga senior high school students ng Taytay, Palawan Bantay Dagat volunteers kasama din ang Sulubaai Environmental Foundation at ang Taytay MPS sa pag papanatili ng katahimikan sa naturang aktibidad.
Ayon sa PCSDS, mahalagang mabigyan ng ganitong kaalaman sa mga kabataan at komunidad upang magkaroon sila ng aktibong papel sa pangangalaga ng kapaligiran, partikular na sa mga marine at coastal ecosystems sa kanilang lugar at sa buong Palawan.
Source: Palawan Island Network