Linggo ng Kabataan 2025: Kabataan at mga Volunteer, ngkaisa sa Coastal Clean-Up Drive sa Candon City
pisyal ng Sangguniang Kabataan mula sa iba’t ibang barangay sa lungsod, katuwang ang SPECIAL FORCES TEAM 405 “BAKIR”, Samahang Ilocano Independent Inc., at ISEE, sa isang makabuluhang Coastal Clean-Up Drive noong September 7, 2025.

Layunin ng naturang aktibidad na maisulong ang kalinisan at pangangalaga sa kalikasan, gayundin ang pagpapakita ng kahalagahan ng pagkakaisa at boluntarismo. Sa pamamagitan ng pagtutulungan ng kabataan at mga katuwang na organisasyon, naipakita ang tunay na diwa ng pamumuno at malasakit para sa mas malinis at mas luntiang Candon City.

Ang Coastal Clean-Up Drive na ito ay nagsilbing inspirasyon at paalala na mahalaga ang partisipasyon ng bawat isa—lalo na ng kabataan—sa pagpapanatili ng kalinisan at kagandahan ng kapaligiran.
Source: Pederasyon ng Sangguniang Kabataan Candon City