Force Multipliers, nakilahok sa Symposium sa Sta. Rita, Samar

0
viber_image_2025-09-09_15-21-58-208

Nakilahok ang mga Force Multipliers na binubuo ng mga barangay officials sa isinagawang symposium na ginanap sa Barangay San Juan sa bayan ng Sta. Rita, Samar noong Setyembre 7, 2025.

Ang aktibidad ay insyatiba ng mga tauhan ng 805th Maneuver Company, Regional Mobile Force Battalion 8 sa pamumuno ni Police Major Tyrone mark A Cartalla, Company Commander kasama ang mga barangay officials sa pangunguna ni Mrs. Conception Hineman Estojero, Punong Barangay at residente ng nasabing lugar.

Kabilang sa mga paksang tinalakay ang Anti-Terrorism, R.A. 9262 o Violence Against Women and their Children, at RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Nilalayon ng aktibidad na mabigyan kaalaman ang mga indibidwal partikular na sa paglaban sa mga laganap na suliranin at isyu ng komunidad.

Ang pagtuturo sa mga komunidad kung paano kilalanin at tugunan ang mga posibleng hamon ay isang mahalagang hakbang patungo sa pagpapaunlad ng isang ligtas, makatarungan, at payapang lipunan para sa lahat.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *