Barangay-Based Advocacy Group, nakiisa sa isinagawang lecture ng Enrile PNP

0
viber_image_2025-09-07_20-10-57-697

Nakiisa ang mga miyembro ng Barangay Based Advocacy Group ng barangay IV sa isinagawang lecture ng Enrile Municipal Police Station na ginanap sa Barangay. Magalalag East, Enrile, Cagayan noong ika-7 ng Setyembre taong kasalukuyan.

Ang aktibidad ay pinangunahan ni Police Major Harold P Ocfemia, Hepe ng nasabing himpilan.

Tinalakay sa aktibidad ang patungkol sa kontra akyat bahay safety tips, anti- terrorism/E070 NTF ELCAC, Exploitation of Children (OSAEC) at nagbigay ng mahalagang impormasyon ang PNP sa mga masamang dulot ng ilegal na droga at ang mga batas kaugnay sa paggamit nito.

Ang Barangay Based Advocacy Group ng Magalalag East ay patuloy na susuporta at makikiisa sa lahat ng programa ng pambansang pulisya para sa isang maayos at ligtas na komunidad.

Source: Enrile PS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *