Barangay Forum at Panata para sa Ligtas at Malinis na Barangay, isinagawa sa Lemery, Batangas

0
viber_image_2025-09-12_13-53-50-862

Matagumpay na isinagawa ang “Barangay Forum and Pledge for a Safe and Crime-Free Barangay” sa Barangay Malinis, Lemery, Batangas noong Setyembre 11, 2025, ganap na ika 9:00 ng umaga, sa loob ng Session Hall ng nasabing barangay.

Dinaluhan ito ng mga opisyal at kawani ng barangay, kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Kabataan, Barangay Tanod, mga kinatawan mula sa samahan ng kababaihan, kabataan, senior citizens, at iba pang residente ng komunidad.

Tinalakay sa aktibidad ang kahalagahan ng pagpigil sa krimen at pagpapanatili ng ligtas na pamayanan. Nagbigay ito ng pagkakataon upang mapalakas ang pakikipag-ugnayan sa pagitan ng barangay, komunidad, at mga ahensiya ng nagpapatupad ng batas. Higit pa rito, nahikayat din ang aktibong partisipasyon ng mga residente sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan.

Sa pagtatapos ng forum, sama-samang nanumpa ang mga dumalo sa kanilang panata para sa isang ligtas, mapayapa, at malayang barangay mula sa anumang uri ng krimen.

Ang aktibidad na ito ay naglalayong magpalaganap ng kamalayan hinggil sa kaligtasan, mapalakas ang ugnayan ng barangay at komunidad, at mahikayat ang aktibong pakikilahok ng mga mamamayan bilang katuwang sa pagtataguyod ng isang crime-free na pamayanan.

Source: Barangay Malinis, Lemery, Batangas

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *