Philippine Red Cross, Naglunsad ng Health Caravan sa San Nicolas, Pangasinan
Matagumpay na isinagawa ng Philippine Red Cross (PRC) Pangasinan Chapter, katuwang ang 104th Maneuver Company RMFB1, ang isang Health Caravan sa Brgy. Sto. Tomas, San Nicolas, Pangasinan noong September 10, 2025.
Mahigit 300 residente ang nakinabang sa iba’t ibang libreng serbisyo, gaya ng medical consultation, libreng gamot, vital signs monitoring, blood sugar testing, health education, libreng health kits at hot meals, pati na rin libreng gupit at iba pang serbisyong pangkalusugan. Layunin ng aktibidad na ito na mapalawak ang serbisyong medikal at mapalakas ang kamalayan sa kalusugan ng kumunidad.
Nagpahayag ng pasasalamat ang PRC Pangasinan sa lahat ng boluntaryo, health workers, at mga katuwang na institusyon at sponsor, kabilang ang PMS Eastern Pangasinan Chapter, Balungao RC 143 Volunteers na pinamumunuan ni Mayor Riza Peralta, Vice Chairman ng PRC Pangasinan Chapter, na siyang nag-sponsor ng mga gamot at health kits, International Pharmaceuticals Inc., San Nicolas OFW Family Association at LGU San Nicolas.
Ayon sa PRC Pangasinan, ang naturang inisyatiba ay bahagi ng kanilang patuloy na adbokasiya na maihatid ang serbisyong pangkalusugan sa mas maraming mamamayan, lalo na sa mga liblib na komunidad.
Source: Philippine Red Cross Pangasinan Chapter