Kabataan ng Sta. Maria High School, bida sa Symposium ukol sa Safe Spaces Act at Anti-Sexual Harassment
Pinatunayan ng mga kabataan ng Sta. Maria High School na sila ang tunay na pag-asa ng bayan sa kanilang aktibong partisipasyon sa isinagawang symposium kaugnay ng Project “Bisita Eskwela I Am Strong (BES)” sa Bliss Site, Brgy. Poblacion ng ika-12 ng Setyembre 2025.
Sa pangunguna ni Police Captain Niña D. Talbo, Chief ng FJGAD ng Isabela Police Provincial Office (IPPO), tinalakay ang kahalagahan ng Safe Spaces Act (RA 11313) at mga batas kontra sexual harassment. Ang nasabing diskusyon ay naglalayong palakasin ang kamalayan ng kabataan.
Tampok sa programa ang pagbibigay-kaalaman kung paano maipagtatanggol ng kabataan ang kanilang sarili laban sa iba’t ibang uri ng pang-aabuso.
Ayon sa ilang estudyante, ang kanilang mga natutunan sa symposium ay magiging mahalagang gabay upang mapangalagaan ang sarili at makatulong sa kapwa kabataan.
Sa pamamagitan ng Project BES, muling naipakita na ang mga kabataan ng Santa Maria ay hindi lamang tagapakinig, kundi mga aktibong katuwang sa pagbubuo ng ligtas, pantay, at makataong komunidad.
Source: PNP Isabela