Monthly BADAC Meeting, isinagawa sa Talibon, Bohol

0
viber_image_2025-09-15_15-41-26-849

Isinagawa ng Talibon Police Station, sa ilalim ng pamumuno ni PMAJ Romar T. Labasbas, Chief of Police, ang opisyal na pagbisita sa Barangay Magsaysay , Talibon, Bohol
upang makibahagi sa pagpupulong ng Barangay Anti-Drug Abuse Council (BADAC), noong ika-14 ng Setyembre 2025.

Layunin ng naturang aktibidad na pagtibayin ang ugnayan ng kapulisan at barangay sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa komunidad.

Sa naturang pagpupulong, tinalakay ang mga hakbang pangseguridad na kaakibat ng PNP Barangay Drug Clearing Program.

Ibinahagi rin ng kapulisan ang pinakabagong ulat hinggil sa peace and order status ng barangay, na may layong mabigyan ng sapat na kaalaman at paggabay ang mga opisyal ng BADAC.

Hinikayat din ng grupo ang mga kasapi ng BADAC na patuloy na makipagtulungan sa PNP sa pagpapatupad ng mga kampanya laban sa terorismo at NTF-ELCAC, KKDAT (Kabataan Kontra Droga at Terorismo), iligal na sugal, at kampanya kontra sa ipinagbabawal na gamot.

Sa pamamagitan ng naturang matibay na suporta at pakikiisa ng barangay, mas magiging matagumpay ang mga programang ipinatutupad ng kapulisan.

Bilang pagtatapos, muling ipinabatid ang mensahe ng PNP na “Sa Bagong Pilipinas, Ang Gusto ng Pulis, Ligtas Ka!” Ito ay nagsisilbing paalala sa publiko na ang tunay na hangarin ng kapulisan ay mapanatili ang isang ligtas, mapayapa, at maayos na pamayanan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *