Pamahalaang Panlalawigan ng Palawan, nakiisa sa “Handog ng Pangulo: Serbisyong Sapat para sa lahat”

0
viber_image_2025-09-15_16-45-06-599

Matagumpay na naisagawa ang “Handog ng Pangulo: Serbisyong Sapat para sa Lahat” katuwang ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan na naghatid ng libreng serbisyo para sa mga Palaweño sa PGP Convention Center, Capitol Compound sa Lungsod ng Puerto Princesa City nito lamang Setyembre 14, 2025.Kabilang dito ang Department of Health (DOH), Department of Labor and Employment (DOLE), Department of Agriculture (DA), Department of Social Welfare and Development (DSWD), Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), Department of Trade and Industry (DTI), Department of Agrarian Reform (DAR), Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), National Housing Authority (NHA), National Food Authority (NFA), Department of Education (DepEd), Department of the Interior and Local Government (DILG), at Puerto Princesa City PNP.

Ilan sa mga serbisyong ipinagkaloob ay ang libreng medical at dental check-up, job fair, Kadiwa ng Pangulo, pamamahagi ng seedlings at iba pang inputs, Php20 kada kilo ng bigas, emergency housing assistance, turnover ng Riding-Type Rice Transplanter at iba pang makinaryang pang-agrikultura, AICS at 4Ps payout, pamimigay ng fishing kits, awarding of loans ng DTI, skills training at employment assistance ng TESDA, at libreng masahe at gupit mula sa Junior Chamber International (JCI).Samantala, personal na dumalo at nagsilbing kinatawan ng Pangulo si Sec. Dante Francis Ang II ng Commission on Filipinos Overseas na nagpaabot ng mensahe ng Pangulo sa mga dumalo.Ang Handog ng Pangulo ay sabay-sabay ding isinagawa sa iba’t ibang rehiyon at probinsya ng bansa upang maramdaman ng bawat Pilipino ang malasakit at serbisyo ng pamahalaan.Source: palawan island network

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *