Anti-illegal Drug Symposium, isinagawa sa ZamboSur
Matagumpay na naisagawa ang isang Anti-Illegal Drug Symposium Activity sa Barangay Bulatoc, Lungsod ng Pagadian, Zamboanga del Sur nito lamang ika-14 ng Setyembre 2025.
Pinagunahan ng Pagadian City Police Station sa pamumuno ni Police Lieutenant Colonel Jerwin SD Cagurin, Acting Chief of Police, katuwang ang mga opisyal ng Barangay Bulatoc.
Layunin ng aktibidad na magbigay-kaalaman hinggil sa masasamang epekto ng ipinagbabawal na gamot, palakasin ang pakikilahok ng komunidad sa kampanya laban sa iligal na droga, at bigyang-kapangyarihan ang mga opisyal ng barangay sa pagsusulong ng isang pamayanang walang droga.


