Barangay-Based Support Group, aktibong nakilahok sa Dialogue para mapanatili ang katahimikan sa Bayan ng Enrile Cagayan
Aktibo at suportado ng mga miyembro ng Barangay-Based Support Group ang isinagawang dialogue ng Enrile Police Station na ginanap sa Barangay IV, Enrile Cagayan nito lamang Setyembre 19,2025.
Dumalo ang mga barangay officials sa pangunguna ni Hon. Esmael Solmayor kasama ang mga barangay police.
Tinalakay ang mga aktibidad, programa at plano tungkol sa Anti-Rape tips, panlilinlang sa pagrerekrut ng Communist Terrorist Group; anti-bullying, mga kampanya kontra-illegal na droga at mga road safety lalo na sa mga nagmomotorsiklo.
Kaugnay ito sa project TRUST (To Render Unity and Safer community through lectures and Seminars) ng Enrile PNP sa pangangasiwa ni Police Major Harold Ocfemia, Hepe.
Layon ng dialogue na mapanatili ang kaayusan,katahimikan at progresibong bayan sa tulong ng Barangay Based group dahil sila ang direktang nakakasalamuha ng mga residente sa bayan.
Source: Enrile PS