Mga Punong Barangay at BPATs, aktibong lumahok sa isinagawang Dayalogo ng Cordon PNP
Nagsagawa ng dayalogo ang Cordon Police Station kasama ang mga Punong Barangay at Barangay Peacekeeping Action Teams (BPATs) bilang bahagi ng kampanya para sa mas matatag na seguridad at kaayusan sa komunidad na ginanap sa Sangguniang Bayan Hall nito lamang ika-16 ng Setyembre, taong kasalukuyan.
Pinangunahan ni PMaj Danilo A. Malab Jr., Officer-in-Charge ng Cordon Police Station, ang pagtitipon na dinaluhan ng 23 Punong Barangay at 46 BPATs. Tinalakay dito ang mga isyu sa droga, karahasan, insurhensya, at pagpaplano ng joint patrol at community visibility operations.
Binigyang-diin ni PMaj Malab ang mahalagang papel ng BPATs bilang katuwang ng pulisya at mga kapitan: “Sa tulong ng ating BPATs, mas mabilis nating natutugunan ang pangangailangan sa seguridad.” Nagpahayag din ng suporta si Mayor Florence Zuniega na nagpuri sa pagkakaisa ng PNP at barangay.
Nagkasundo ang lahat na magsagawa ng buwanang koordinasyon upang higit pang mapagtibay ang ugnayan ng pulisya, Punong Barangay, at BPATs sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa bayan ng Cordon.
Source: Cordon PS