BADAC meeting, isinagawa sa Barangay Nug-as, Alcoy, Cebu
Dumalo ang mga tauhan ng istasyon ng Alcoy MPS sa Barangay Anti-Drug Abuse Council (BADAC) meeting sa Brgy. Nug-as, Alcoy, Cebu, bandang alas-10:30 ng umaga, Setyembre 20, 2025.
Ang pagtitipon ay isinagawa sa ilalim ng direktang superbisyon ni PLT KERBY NEIL JANN T. BAGNOL, Officer-In-Charge ng istasyon.
Pinangunahan ni Hon. Ladeslao Mejares, Punong Barangay ng Nug-as, ang nasabing pagpupulong kasama ang iba pang kasapi ng BADAC.
Tinalakay dito ang kahalagahan ng pagtutulungan ng bawat sektor upang maisulong ang mga programang pangkaunlaran na magsisilbing alternatibo para sa mga mamamayan at upang maiwasan ang pagkakasangkot sa ipinagbabawal na gamot.
Layunin din ng meeting na higit na maihanda at mabigyan ng sapat na kaalaman ang mga opisyal ng barangay sa kanilang papel kontra iligal na droga.
Sa pamamagitan nito, mas mapapalakas ang kanilang kakayahan na makapagtupad ng mga epektibong hakbang at masiguro ang kaligtasan ng pamayanan.
Bahagi ito ng mas pinaigting na kampanya ng kapulisan upang mabawasan ang paglaganap ng iligal na droga sa rehiyon at maitaguyod ang mas ligtas na komunidad.
Pinatutunayan din nito ang dedikasyon ng PNP sa pagbibigay ng serbisyo, proteksiyon, at malasakit sa mamamayan alinsunod sa adhikain ng Bagong Pilipinas.