BPATS Training, isinagawag sa Brgy Fatima, Tabaco City

0
viber_image_2025-09-22_18-34-04-559

Isinagawa ang Barangay Peacekeeping Action Teams (BPATS) Training sa Barangay Fatima, Tabaco City nito lamang Setyembre 19, 2025 .

Pinangunahan ito ng mga tauhan ng Tabaco City Police Station sa pamumuno ni PLT ASUNCION L SABATER, sa ilalim ng superbisyon ni PLTCOL EDMUNDO A CERILLO, Hepe ng Pulisya.

Dumalo rin si Pastor Rogelio Maceres, Faith-Based/Community Adviser, upang bigyang-diin ang kahalagahan ng pananampalataya at moral na gabay sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa komunidad.

Kabilang sa mga tinalakay sa pagsasanay ang mahahalagang paksa gaya ng Katarungang Pambarangay, Violence Against Women and Their Children (R.A. 9262), Drug Awareness Lecture, Fake News Awareness, at Arresting Techniques.

Ang aktibidad na ito ay malinaw na patunay ng patuloy na pagtutulungan ng PNP, simbahan, at pamayanan tungo sa paghubog ng isang mas ligtas at mas maunlad na lipunan.

Source: Tabaco City Police Station

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *