Advocacy support groups, nakiisa sa Coastal Clean-up Drive
Kapit bisig ang iba’t ibang grupo kasama na dito ang mga miyembro ng advocacy support group sa isinagawang coastal clean-up drive sa Villanueva, Misamis Oriental nito lamang ika-20 ng Setyembre 2025.
Nakilahok din ang mga miyembro ng Regional Mobile Force Battalion sa pangangasiwa ni Police Colonel Isralene T Lauren at Rotary Club of CDO.
Sabay-sabay nag-ikot ang mga naturang grupo sa dalampasigan upang magpulot ng basura na nakahambala sa baybayin.
Sa kabuuan nasa 20 sako ng iba’t ibang klase ng basura ang nakuha sa coastal clean-up drive.
Bunga ito ng walang sawang suporta ng iba’t ibang grupo sa pagpapanatili ng kagandahan ng likas na yaman lalong lalo na ang karagatan upang may magamit pa ang mga susunod na henerasyon.