Clean-up Drive, isinagawa sa Malaybalay City, Bukidnon
Nagsagawa ng clean-up drive ang mga residente ng Sitio Candiisan, Barangay Can-ayan, Valencia City, Bukidnon nito lamang ika-21 ng Setyembre 2025.
Nilahukan din ito ng Brgy Officials, Brgy tanod, at mga miyembro ng Sanggunian Kabataan ng nasabing lugar.
Nagkaisa ang grupo sa paglilibot sa buong barangay upang mangolekta ng ibat ibang klase ng basura.
Tinatayang nasa pitong sako ng mga basura ang nakuha.
Layunin nitong hikayatin ang disiplina at malasakit sa kalikasan sa pamamagitan ng pagtutulungan ng mga residente at makapagbigay ng kamalayan tungkol sa kahalagahan ng tamang pagtatapon ng basura.