BPATs, katuwang sa pagpapanatili ng kapayapaan sa Tuguegarao City

0
viber_image_2025-09-23_12-41-17-054

Mas pinagtibay ang ugnayan ng pamahalaan, simbahan, at komunidad sa pamamagitan ng pagbubukas ng 2-Day Training para sa Barangay Peacekeeping Action Teams (BPATs) at Barangay Anti-Drug Abuse Councils (BADAC) na isinagawa sa Hotel Ivory, Buntun, Tuguegarao City nito lamang ika-23 ng Setyembre 2025.

Pinangunahan ni PLtCol Ramil N. Alipio, DPDA ng Cagayan PPO ang pagbubukas ng programa na dinaluhan ng mga Barangay Officials mula sa Eastern at Northern barangays ng lungsod, kasama ang Barangay Affairs Officer, ang CLGOO VI, at ang MBK Life Coach.

Tampok sa naturang pagsasanay ang pagpapalakas ng kaalaman at kakayahan ng BPATs bilang unang katuwang ng PNP at lokal na pamahalaan sa pagbabantay ng katahimikan, kaayusan, at kaligtasan sa antas-barangay.

Layunin ng pagsasanay na gawing mas handa at mas matatag ang BPATs bilang pangunahing katuwang ng PNP at LGU sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa barangay level.

Sa pamamagitan ng naturang aktibidad, higit pang napagtibay ang papel ng BPATs bilang haligi ng katahimikan at kaligtasan sa Tuguegarao City.

Source: Cagayan PPO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *