Community Outreach Program, isinagawa sa Malita, Davao Occidental

0
551992148_1718968815465840_1466462409320793376_n

Isinagawa ng mga tauhan ng Malita Municipal Police Station katuwang ang Davao Occidental Police Provincial Office at Provincial Community Affairs and Development Unit ang isang outreach program para sa mga residente ng Relocation Site sa Barangay Poblacion, Malita, Davao Occidental noong Setyembre 21, 2025.

Layunin ng programa na maiwasan ang posibleng pagsasamantala ng ilang politikal at makakaliwang grupo sa mga pagkakataong tulad nito, at higit sa lahat, maghatid ng tulong at serbisyo sa mga mamamayan mula sa mga mahihirap at maralitang komunidad.

Nagsilbing pangunahing aktibidad rito ang pamamahagi ng food packs, arroz caldo at ang ginawang talakayan kaugnay sa Republic Act 9262 o ang “Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004”.

Sa pamamagitan ng programang ito, mas pinatibay ang ugnayan sa pagitan ng PNP at ng komunidad, habang ipinapakita ang patuloy na pagtugon ng kapulisan sa pangangailangan ng mga mamamayan hindi lamang sa larangan ng seguridad kundi pati na rin sa aspeto ng serbisyong panlipunan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *