International Coastal Clean-up 2025, inilunsad sa New Washington, Aklan
Sa kabila ng mga aktibong paghahanda para sa gaganaping Protest Day sa Setyembre 21, 2025, hindi nakakalimut ang ating kapulisan sa pagpapanatili ng malinis na kapaligiran.
Matagumpay na nakiisa ang mga tauhan ng New Washington Municipal Police Station (MPS) sa idinaos na International Coastal Clean-up 2025 sa baybayin ng Barangay Fatima, New Washington, Aklan, noong ika-20 ng Setyembre 2025.
Pinangunahan ito sa ilalim ng superbisyon ni Police Major Mark Darrell R. Villanueva, Acting Chief of Police, katuwang ang Lokal na Pamahalaan ng New Washington at iba pang partner agencies.
Ang naturang aktibidad ay bahagi ng pandaigdigang inisyatiba na naglalayong linisin at protektahan ang ating karagatan mula sa basura at polusyon.
Sama-samang nagsagawa ng paglilinis ang mga kasapi ng kapulisan, LGU, at mga boluntaryo mula sa iba’t ibang sektor ng komunidad.

Ang kanilang pagkilos ay malinaw na nagpapakita ng malasakit hindi lamang sa kaligtasan ng tao kundi maging sa kapaligirang tahanan ng iba’t ibang yamang-dagat.
Pinatunayan ng New Washington PNP na bahagi ng kanilang tungkulin ang pagsuporta sa mga programang makakalikasan na tiyak na makatutulong sa kalusugan at kaayusan ng pamayanan.
Ang pakikilahok ng PNP, LGU, at mga volunteers mula sa iba’t-ibang sektor sa nasabing coastal clean-up ay hindi lamang simpleng aktibidad kundi isang makabuluhang hakbang tungo sa pagpapanatili ng balanseng kalikasan.
Sa patuloy na pagtutulungan ng kapulisan, lokal na pamahalaan, at mamamayan, masisiguro na ang New Washington ay magiging huwaran ng isang komunidad na nagkakaisa para sa kalinisan at kaligtasan.
Source: New Washington MPS FB Page