Kabataan at komunidad, pinagbuklod ng PNP sa pagpapanatili ng kapayapaan

0
viber_image_2025-09-23_16-14-20-839

Nagsagawa ng community engagement activity o pulong-pulong ang Badiangan Municipal Police Station, sa pangunguna ni Police Captain Jorge L. Lenantud, hepe ng istasyon, kasama ang mga Barangay Officials, 4Ps members, at kabataan mula sa Brgy. San Julian at Brgy. Catubig, nito lamang ika-20 ng Setyembre 2025.

Layunin ng aktibidad na mapalakas ang ugnayan ng kapulisan at pamayanan sa pamamagitan ng pagbabahagi ng Information, Education, and Communication (IEC) materials hinggil sa kapayapaan, kaayusan, at pagbabantay laban sa kriminalidad.

Bilang bahagi ng paggunita sa nalalapit na Martial Law Anniversary at pagdiriwang ng Crime Prevention Month, binigyang-diin ng PNP ang kahalagahan ng aktibong pakikilahok ng kabataan.

Ayon kay PCpt Lenantud, ang mga kabataan ay may malaking papel sa pagsusulong ng ligtas na pamayanan at sa pagpigil sa paglaganap ng kriminalidad.

Sa kanilang kamulatan at pakikibahagi, mas nagiging matatag ang kampanya laban sa krimen at sa pagtataguyod ng kapayapaan.

Ang ganitong gawain ay patunay ng pagtutulungan ng kapulisan at ng komunidad upang makamit ang iisang layunin—isang mapayapa, ligtas, at mas maunlad na Badiangan.
Source: Badiangan PNP FB Page

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *