BPATs ng Barangay Divisoria, pinalakas sa pamamagitan ng Project T.A.L.A.S. Training

0
viber_image_2025-09-24_15-59-07-089

Patuloy na ipinapakita ng Barangay Peacekeeping Action Team (BPATs) ng Brgy. Divisoria ang kanilang dedikasyon bilang unang tagapagtanggol ng katahimikan at kaligtasan ng komunidad. Noong ika-23 ng Setyembre 2025, labing-apat (14) na kasapi ang matagumpay na lumahok sa Project T.A.L.A.S. (Training in Arresting, Life-saving Actions, and Security) na isinagawa ng Special Counter-Insurgency Military Force Company (SCMFC).

Pinangunahan ng 4th Platoon ng Rizal Patrol Base, SCMFC, sa pamumuno ni PCMS Rey Dela Cruz, isinagawa ang lecture at aktwal na demonstrasyon ng Four Basic Arresting and Handcuffing Techniques. Layunin nitong tiyakin na ang mga BPATs ay may sapat na kaalaman at kasanayan sa ligtas, makatao, at makatarungang pamamaraan ng pag-aresto.

Kasabay nito, isinagawa rin ni PCpl Julius Batag ang pagsasanay sa Basic Life Support (BLS) na may kasamang praktikal na pagsusulit. Sa training na ito, natutunan ng mga kalahok ang wastong pagtugon sa mga medikal na emergency gaya ng cardiac arrest at pagkalunodi sang kakayahang magagamit nila hindi lang sa tungkulin kundi pati sa pang-araw-araw na buhay.

“Ang BPATs ang unang tumutugon, unang humaharap, at unang naglilingkod sa kanilang barangay. Nararapat lamang na sila’y bigyan ng sapat na kaalaman, kakayahan, at suporta,” pahayag ni PCMS Dela Cruz. Aniya, ang ganitong mga pagsasanay ay mahalagang hakbang upang mas mapagtibay ang papel ng BPATs bilang katuwang ng pambansang pulisya sa pagbibigay-proteksyon sa mga mamamayan.

Mula sa pagbabantay tuwing gabi hanggang sa pagtugon sa mga emergency, ang BPATs ng Brgy. Divisoria ay tunay na haligi ng katahimikan at kaligtasan. Hindi lamang sila mga tanod, sila ay mga tunay na tagapagligtas ng kanilang komunidad.

Source: Santiago CMFC

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *