Pamahalaang Panlalawigan ng Northern Samar, nagsagawa ng Relief Operation

0
viber_image_2025-09-28_13-08-49-830

Matagumpay na isinagawa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Northern Samar ang relief operation para sa mga apektadong pamilya sa bayan ng San Vicente nitong Septembre 27, 2025.

Ang aktibidad ay pinangunahan ni Gov. Harris Christopher M. Ongchuan katuwang ang Department of Social Welfare and Development, kung saan nakiisa dito ang Northern Samar Police Provincial Office sa pamumuno ni Police Colonel Sonnie B Omengan, Provincial Director, Provincial Community Affairs and Development Unit, at iba pang kapulisan sa nasabing lalawigan.

Nagkaisa ang grupo sa pamamahagi ng mga relief packs upang matugunan ang pangangailangan ng mga pamilyang naapektuhan ng Bagyong Opong.

Ipinakikita ng inisyatibong ito ang walang humpay na malasakit at pagtatalaga ng kapulisan at mga katuwang na ahensya sa pagbibigay ng mabilis na tugon at serbisyo sa panahon ng sakuna.

Isa itong patunay ng kanilang layunin na unahin ang kaligtasan, kapakanan, at dignidad ng bawat mamamayang apektado.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *