BADAC Meeting, dinaluhan ng pulisya sa Lapu-Lapu City, Cebu
Dumalo ang mga kapulisan mula sa Station 5 Lapu-Lapu City Police Office sa pamumuno ni PLT Myro Darlan L. Silvania, Officer-in-Charge, sa regular na buwanang pagpupulong ng Barangay Anti-Drug Abuse Council (BADAC) at Barangay Peace and Order Council (BPOC).
Ang naturang pulong ay ginanap sa Conference Room ng Bankal Barangay Hall, Lapu-Lapu City, noong ika-26 ng Setyembre 2025 at dinaluhan ng iba’t ibang kinatawan mula sa mga konsehong pangkapayapaan at pangkaayusan ng barangay.
Layunin ng pagpupulong na mapalakas ang koordinasyon sa pagpapatupad ng mga programa ng pamahalaan laban sa kriminalidad at iligal na droga.
Pinangunahan ang pagtitipon ni Hon. Celestino G. Pangatungan III, Punong Barangay ng Bankal.
Sa kanyang pamumuno, tinalakay ang mga kasalukuyang isyu at mga bagong hakbang upang higit na mapanatili ang kapayapaan at disiplina sa komunidad.
Kabilang sa mga napagtuunan ng pansin ang pagpapatibay ng mga inisyatiba laban sa iligal na droga, pagpapalakas ng community involvement, at pagpapatuloy ng kooperasyon sa pagitan ng barangay at kapulisan.