STAN Panukulan, namahagi ng libreng pagkain sa mga apektado ng Bagyong “Opong”

0
viber_image_2025-09-28_16-28-04-645

Bilang tugon sa pangangailangan ng mga mamamayan sa gitna ng pananalasa ng Bagyong “Opong,” matagumpay na isinagawa ng STAN Panukulan ang pamamahagi ng libreng pagkain sa mga residenteng lubhang naapektuhan ng kalamidad nito lamang Biyernes, ika-26 ng Setyembre 2025.

Pinangunahan ang nasabing aktibidad ng STAN Panukulan, katuwang ang mga tauhan ng Panukulan Municipal Police Station at Bureau of Fire Protection Panukulan, upang matiyak ang maayos, mabilis, at ligtas na pamamahagi ng tulong. Kasama rin ang mga opisyal ng barangay at ilang volunteer na nagbigay ng dagdag na suporta sa operasyon.

Layunin ng programa na maibsan ang gutom at hirap na dulot ng kalamidad, gayundin ay ipakita ang pagkakaisa at malasakit ng pamahalaan, kapulisan, bombero, at komunidad sa panahon ng sakuna. Higit sa lahat, ito ay nagpatibay ng diwa ng bayanihan na siyang sandigan ng bawat Pilipino sa pagtahak tungo sa mas ligtas at maunlad na Bagong Pilipinas.

Source: Panukulan MPS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *