KKDAT, katuwang ng Lal-lo PNP sa River Clean-up Drive
Ipinamalas ng kabataan mula sa KKDAT (Kabataan Kontra Droga at Terorismo) ang kanilang aktibong partisipasyon at malasakit sa kalikasan sa isinagawang River Clean-Up Drive sa Barangay Centro, Lal-lo, Cagayan noong ika-27 ng Setyembre 2025.
Pinangunahan ang aktibidad ni PMSg Eunielyn Abordo, sa ilalim ng direktiba ni PMaj Val A. Simangan, hepe ng Lal-lo Municipal Police Station, kasama ang mga opisyal ng barangay na pinamumunuan ni Hon. Jimmy Bacuyag, OIC Mayor, MENRO Lal-lo at mga residente ng nasabing lugar.

Sa pamamagitan ng masiglang pakikiisa ng KKDAT, naging mas makulay at makabuluhan ang clean-up drive, na hindi lamang naglalayong linisin ang kapaligiran, kundi ipinapakita na ang kabataan ay mahalagang katuwang ng PNP at pamahalaan sa pagsusulong ng disiplina, pagkakaisa, at malasakit sa komunidad.
Bahagi ang aktibidad sa patuloy na kampanya ng PNP laban sa polusyon at para sa pangangalaga ng kalikasan. Ito ang patunay na sa pamamagitan ng pagtutulungan ng kabataan, kapulisan, at komunidad, makakamtan ang isang ligtas, malinis, at maunlad na bayan.
Source: Lal-lo MPS