BPATs, nanguna sa night patrolling at pagpapanatili ng kaayusan sa Sudipen
Nanguna ang mga miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Team (BPAT) sa isinagawang night patrolling at inspeksyon sa iba’t ibang barangay ng bayan ng Sudipen sa La Union, katuwang ang mga tauhan ng Sudipen Municipal Police Station (MPS) noong Setyembre 28, 2025, .
Layon ng aktibidad na tiyakin ang presensya at alertness ng mga BPATs, gayundin upang mas mapalakas ang koordinasyon sa pagpapanatili ng katahimikan at seguridad sa mga komunidad tuwing gabi.
Bilang pangunahing katuwang ng kapulisan, ipinakita ng BPATs ang kanilang aktibong partisipasyon at malasakit sa pagbibigay ng seguridad sa mga residente, na nagsisilbing unang linya ng pagbabantay laban sa anumang banta sa kapayapaan at kaayusan.
Ang aktibidad ay patunay ng mas matibay na ugnayan sa pagitan ng barangay at pulisya upang mapanatili ang ligtas at maayos na pamayanan sa Sudipen.
Panulat: CGD
Source: Sudipen MPS