KKDAT, aktibong nakilahok sa isinagawang drug symposium ng Tagaytay PNP
Sa pagpapatibay ng kampanya laban sa ilegal na droga, nagsagawa Drug Symposium ang mga tauhan ngTagaytay Component City Police Station (CCPS) sa Brgy. Francisco, Tagaytay City nito lamang ika-28 ng Setyembre, 2025.
Pinangunahan ni PLtCol Ryan L. Manongdo, OIC ng Tagaytay CCPS, ang naturang aktibidad na dinaluhan ng mga opisyal ng barangay at mga kasapi ng KKDAT. Tinalakay sa pagpupulong ang mga panganib at masasamang epekto ng droga, gayundin ang kahalagahan ng pakikilahok ng kabataan sa pagpigil sa kriminalidad at paggamit ng ipinagbabawal na gamot.
Ipinakita ng KKDAT ang kanilang dedikasyon at suporta sa adbokasiya ng PNP sa pamamagitan ng pakikilahok sa diskusyon at pagbabahagi ng kanilang mga pananaw kung paano maisusulong ang ligtas at maayos na pamayanan.
Tunay ngang mahalagang, kaagapay ang KKDAT sa pagbibigay-kaalaman sa kapwa kabataan, at nagsisilbi silang haligi ng kabataan sa kampanya ng gobyerno laban sa droga at terorismo.