Force Multipliers, isinagawa ang 3rd Quarter BADAC & BPOC Meeting sa Northern Samar
Matagumpay na isinagawa ng mga force multiplier ang 3rd Quarter Barangay Anti-Drug Abuse Council (BADAC) at Barangay Peace and Order Council (BPOC) Meeting sa Barangay Daganas, Catarman, Northern Samar nito lamang Oktubre 6, 2025.
Ang pagpupulong ay pinangunahan ni Hon. Digna S. Fulgar, Punong Barangay, kasama ang mga opisyal, tanod at SK Chairman ng nasabing barangay, gayundin ang mga tauhan ng Catarman Municipal Police Station sa pamumuno ni Police Major Berniebe L. Magamay, Officer-in-Charge.
Ang aktibidad ay naglalayong palakasin ang kampanya ng PNP laban sa iligal na droga sa pamamagitan ng mga estratehiyang nakabatay sa komunidad, na nagbibigay-diin sa pag-iwas sa paggamit ng droga at trafficking.
Nagsilbi rin itong plataporma upang mapahusay ang koordinasyon at pagtutulungan ng mga opisyal ng barangay sa pagbuo ng isang mas ligtas, mapayapa, at drug-free community.