LGU Sudipen, mga volunteer, at iba pang ahensiya ng gobyerno, maagap na nagsagawa ng relief operations sa mga naapektuhan ng Bagyong ‘Paolo’

0
viber_image_2025-10-07_11-33-48-455

Sa gitna ng pananalasa ni Bagyong “Paolo”, naihatid ang tulong at pag-asa sa mga apektadong residente ng Barangay Up-uplas at Barangay Bulalaan, sa Bayan ng Sudipen, La Union noong Oktubre 4, 2025. Naipamahagi sa mga evacuees ang mga relief goods, bilang tugon sa kanilang agarang pangangailangan habang patuloy ang masungit na panahon.

Bunga ito ng sama-samang pagkilos ng Lokal na Pamahalaan ng Sudipen, Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO), Bureau of Fire Protection (BFP), Philippine National Police (PNP), at mga volunteer na sama-samang naghatid ng tulong sa mga evacuation centers ng nasabing mga barangay.

Lubos ang pasasalamat ng mga opisyal ng barangay at mga boluntaryo na nag-alay ng kanilang oras, lakas, at serbisyo para masiguro ang kaligtasan at kaginhawaan ng mga naapektuhan ng bagyo.

Sa mensahe ni Honorable Mayor Wendy Joy Buquing ay sinabi niya na hindi matatawaran ang walang-sawang suporta at pagtutulungan ng bawat isa, lalo na sa panahon ng kalamidad.

Sa kabila ng unos, nananatiling buhay ang diwa ng bayanihan, patunay na sa pagtutulungan, kayang lampasan ng komunidad ang anumang hamon at pagsubok.

Source: Sudipen PS LUPPO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *