Community Outreach Program sa El Nido, matagumpay na naisagawa; 2nd Palawan PMFC, nakiisa

0
viber_image_2025-10-09_12-30-43-128

Matagumpay na naisagawa ang isang makabuluhang Community Outreach Program sa Sitio Calitang, Barangay Bucana sa bayan ng El Nido, Palawan nitong oktobre 7, 2025.

Ang aktibidad na ito ay pinangunahan ni Mr. Chino B. Labajo kung saan nakiisa ang kapulisan 2nd Palawan Provincial Mobile Force Company (PMFC) katuwang ang Commando Brotherhood, El Nido Community Hospital, at ang El Nido Municipal Police Station (MPS).

Layon ng nasabing aktibidad na maghatid ng libreng serbisyong medikal at iba pang tulong sa mga residente ng komunidad na may limitadong access sa mga pangunahing serbisyo.

Ilan sa mga serbisyong naibigay sa programa ay ang mga sumusunod Libreng medical consultation,Libreng laboratory services,Pamimigay ng libreng gamot at bitamina,Feeding program para sa mga bata,Libreng Tuli at Libreng gupit

Nagpaabot ng pasasalamat ang mga residente ng Sitio Calitang sa mga organisasyong naging bahagi ng aktibidad, dahil sa tulong na kanilang natanggap. Ayon sa ilang benepisyaryo, malaking kaginhawahan ang naidulot ng mga libreng serbisyo, lalo na sa mga hindi nakakakaya ng gastusing medikal.

Sa panayam, binigyang-diin ni Ginoong Chino ang kahalagahan ng pagtutulungan ng iba’t ibang sektor upang maabot ang mga liblib na lugar at matugunan ang mga pangunahing pangangailangan ng mga mamamayan.

Nagpaabot rin ng mensahe ng suporta at pasasalamat ang pamunuan ng 2nd Palawan PMFC sa lahat ng nakibahagi at tumulong sa pagsasakatuparan ng naturang programa.

Ang aktibidad na ito ay bahagi ng patuloy na adbokasiya ng mga katuwang na ahensya na palakasin ang ugnayan sa pagitan ng pamahalaan at mamamayan, at maipamalas ang tunay na diwa ng serbisyo publiko.

Source: 2nd pmfc

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *