KKDAT, katuwang sa pagsulong ng Food Security sa pamamagitan ng Project SALUKAG
Aktibong nakiisa ang mga miyembro ng KKDAT (Kabataan Kontra Droga at Terorismo) sa isinagawang Project SALUKAG (Sa Yamang Lupa May Kalakip na Gintong Ani) sa Barangay Patul, Santiago City, Isabela nito lamang ika-9 ng Oktubre, 2025.
Pinangunahan ng mga opisyal ng Barangay Patul ang aktibidad katuwang ang mga personnel ng 3rd Platoon, Patul Patrol Base ng Santiago City Mobile Force Company (SCMFC) na nilahukan ng mga miyembro ng KKDAT at mga residente ng naturang barangay.

Sa ilalim ng Project SALUKAG, sama-samang nagtanim ang mga kalahok ng iba’t ibang punla ng masustansyang gulay sa itinalagang barangay communal garden.
Layunin nitong hikayatin ang komunidad na maging bahagi ng adbokasiya para sa kalikasan at sapat na suplay ng pagkain, kasabay ng pagpapalaganap ng disiplina, kooperasyon, at pagmamalasakit sa kapaligiran.
Patuloy ang mga ganitong inisyatiba ng upang mapalakas ang adbokasiyang pangkapaligiran, maisulong ang seguridad sa pagkain, at mapalalim ang ugnayan sa pagitan ng kapulisan , mamamayan at ng kabataan tungo sa mas ligtas, mas produktibo, at mas maunlad na Bagong Pilipinas.
Source: Santiago CPMFC