Tree Planting Activity, isinagawa sa Iligan City
Isinagawa ang Tree Planting Activity sa Marcelo Fertilizer, Brgy. Maria Cristina, Iligan City nito lamang ika-8 ng Oktubre, 2025.
Nakiisa sa naturang aktibidad ang Robinsons Land Foundation Inc., Robinsons Iligan and Go Hotels Iligan.
Ang aktibidad ay aktibo ring dinaluhan ng mga tauhan ng ICENRO,City Mayor’s Office, advocacy support groups,volunteers, Brgy. Officials at mga residente ng nasabing lugar.
Sa nasabing aktibidad ay nakapagtanim ng nasa 300 mangrove seedlings.
Layunin nito na mapanatili ang balance ang ecosystem at magbigay ng pangmatagalang proteksyon at benepisyo para sa mga tao at kalikasan.
