Barangay Peacekeeping Action Team Tumauini, nakiisa sa Best Practice ng Tumauini Cops

0
viber_image_2025-10-12_15-10-59-771

Aktibong lumahok ang mga miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Team (BPAT) ng Barangay Malamag West sa isinagawang “Usap at Kape, Tulay sa Mapayapang Barangay” na pinangunahan ng Tumauini Police Station noong Oktubre 10, 2025, ganap na 8:00 ng umaga.

Pinangunahan ni PCpt Pedro B. Allam, Deputy Chief of Police, ang pagbibigay ng lektura sa mga barangay officials, BPAT members, women’s sector at residente ukol sa Katarungang Pambarangay, Warrantless Arrest, at iba’t ibang municipal ordinances. Nagsagawa rin siya ng demonstrasyon ng tamang arresting techniques upang lalo pang mapalakas ang kapasidad ng mga BPAT sa pagpapanatili ng kaayusan.

Kabilang sa mga tinalakay ni PMSg Emmalyn R. Muñoz ng WCPD PNCO ang mga batas na tumutugon sa karahasan laban sa kababaihan at kabataan, habang si PMSg Lovely G. Payte naman ay nagturo hinggil sa kampanya kontra iligal na droga, ELCAC, at batas trapiko. Ang mga lektura ay lubos na pinahalagahan ng BPATs members bilang dagdag na kaalaman sa kanilang gampanin.

Samantala sa pamamagitan ng pagtutulungan ng mga ahensya kabilang na ang aktibong partisipasyon ng mga Barangay Peacekeeping Action Team, mas epektibong naipapatupad ang mga batas at napapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa buong bayan ng Tumauini.

Source :Tumauini Police Station Mcad

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *