Awareness Lecture, isinagawa sa Dinalungan, Aurora
Nagsagawa ng Awareness Lecture ang mga tauhan ng Dinalungan Municipal Police Station sa mga residente ng Brgy. Abuleg, Dinalungan, Aurora nito lamang Linggo, ika-12 ng Oktubre 2025.
Ang naturang aktibidad ay inisyatibo ni Police Major Dennis R. Balbuena, Chief of Police ng Dinalungan MPS, alinsunod sa direktiba ng Regional Director ng PRO3, katuwang ang mga opisyal at residente ng nasabing barangay.
Layunin ng nasabing gawain na maiparating sa mga mamamayan ang mahalagang impormasyon hinggil sa crime prevention at iba pang usaping pangkaayusan sa komunidad.
Patuloy naman ang paghikayat ng Dinalungan MPS sa publiko na makiisa sa ganitong mga aktibidad upang mapanatili ang kapayapaan, disiplina, at pagkakaisa tungo sa isang mas maunlad na bayan.

