Barangay Anti-Drug Abuse Council, sumailalim sa Training sa Palawan

0
viber_image_2025-10-14_16-18-30-025

Apatnapung (40) kasapi ng Barangay Anti-Drug Abuse Council (BADAC) mula sa iba’t ibang barangay sa bayan ng Dumaran, Palawan ang matagumpay na sumailalim sa Roll-out Training on Strengthening Institutional Capacities of Barangay Anti-Drug Abuse Council (SICAP-BADAC) kamakailan, Oktubre 13, 2025, sa Manpower Building, Brgy. Poblacion sa naturang bayan.

Ang aktibidad ay inisiyatibo ng Provincial Anti-Drug Abuse Program (PADAP), katuwang ang Municipal Anti-Drug Abuse Council (MADAC) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) pati na rin ang Palawan PNP.

Layunin ng pagsasanay na mapalawak ang kaalaman ng mga BADAC members sa implementasyon ng Barangay Drug Clearing Program (BDCP) upang maging mas epektibo sa pagpapatupad ng mga hakbang laban sa iligal na droga sa kani-kanilang komunidad.

Kabilang sa mga dumalo ang mga kinatawan mula sa Department of the Interior and Local Government (DILG), Local Government Unit (LGU), at Philippine National Police (PNP).

Ayon sa PADAP, ang ganitong uri ng pagsasanay ay bahagi ng patuloy na inisyatibo ng Pamahalaang Panlalawigan ng Palawan na paigtingin ang kampanya kontra iligal na droga, alinsunod sa Dangerous Drugs Board (DDB) Board Regulation No. 4, Series of 2021 at sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Source: Palawan island network

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *