Mag-aaral sa Catarman, aktibong nakilahok sa Handwashing Technique at Oral Health Awareness Lecture
Aktibong nakilahok ang mga mag-aaral ng Our Lady of the Annunciation Learning Center of Catarman, Inc. sa isinagawang Handwashing Technique at Oral Health Awareness Lecture sa Catarman, Northern Samar nito lamang Oktubre 14, 2025.
Ang aktibidad ay inisyatiba ng Northern Samar Provincial Medical and Dental Team sa pamumuno ni Police Captain Flordeliza B Banguigui, Assistant Team Leader/ Dental Officer kasama ang mga tauhan ng Provincial Community Affairs and Development Unit.

Namahagi ang team ng mga hygiene at dental kits sa mga mag-aaral.
Ang aktibidad ay naglalayong mapalawak ang kaalaman ng mga mag-aaral hinggil sa kahalagahan ng tamang paghuhugas ng kamay at wastong pangangalaga sa ngipin, bilang bahagi ng pagpapanatili ng kalinisan at kalusugan.
Layunin nitong mahubog ang mga bata ng mabuting gawi sa kalinisan at mapigilan ang pagkalat ng mga sakit sa pamamagitan ng tamang personal hygiene.