PNP Mahayag, nagsagawa ng Drug Symposium at Awareness Lecture sa mga estudyante ng Panagaan National High School
Nagsagawa ng isang Drug Symposium at Awareness Lecture ang ginanap sa Panagaan National High School, Panagaan, Mahayag, Zamboanga del Sur nito lamang ika-13 ng Oktubre 2025.
Pinangunahan ng 53rd Infantry Battalion ng Philippine Army, Municipal Disaster Risk Reduction Management Unit sa pakikiisa ng Mahayag Municipal Police Station sa pangangasiwa ni Police Major Junar C Yap, Acting Chief of Police ang nasabing aktibidad.
Tinalakay ng himpilan ang Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, pati na rin ang mga paksa tungkol sa masasamang epekto ng droga, Anti-Bullying Act, Anti-Rape Law, at Republic Act 7610 o ang Anti-Child Abuse Law.
Patuloy ang PNP sa pagpapatupad ng kampanya laban sa iligal na droga at kriminalidad upang matiyak ang mas ligtas at mapayapang pamayanan para sa lahat.
