Calatagan MPS, nagdaos ng lecture ukol sa anti-bullying at crime prevention sa Calatagan NHS
Matagumpay na naisagawa ng mga tauhan ng Calatagan Municipal Police Station ang isang lecture tungkol sa Anti-Bullying Act of 2013 at Crime Prevention Tips sa mga mag-aaral ng Calatagan National High School sa Brgy. 2, Calatagan, Batangas.
Layunin ng aktibidad na ito na mapataas ang kamalayan ng mga kabataan hinggil sa masamang epekto ng pang-aapi o bullying, at upang mapalaganap ang respeto at disiplina sa loob ng paaralan. Ibinahagi rin ng mga pulis ang ilang mahahalagang paalala upang makaiwas sa krimen at kung paano makatutulong ang bawat isa sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa komunidad.
Ang naturang aktibidad ay bahagi ng araw-araw na seguridad at mga proaktibong hakbang ng Calatagan Pulis upang maiwasan ang anumang insidente ng krimen sa kanilang nasasakupan.
Patuloy ang Calatagan PNP sa pagsusulong ng pakikipag-ugnayan sa komunidad, lalo na sa mga kabataan, bilang bahagi ng kanilang adbokasiya para sa ligtas at mapayapang pamayanan.