BPATs, nakiisa sa Capability Enhancement Training and Seminar sa Marilao, Bulacan
Nakiisa ang Barangay Peacekeeping Action Teams (BPATs) sa pagpapanatili ng kapayapaan at seguridad sa isinagawang Capability Enhancement Training and Seminar ng Marilao Municipal Police Station sa Barangay Lias, Marilao, Bulacan nito lamang Martes ika-14 ng Oktubre 2025.
Pinangunahan ni Police Lieutenant Colonel Jordan G. Santiago, Acting Chief of Police ng Marilao MPS, ang naturang aktibidad.
Sa kanyang mensahe, binigyang-diin nito ang kahalagahan ng tuloy-tuloy na pagsasanay at kooperasyon ng pulisya at mga barangay sa pagpapanatili ng ligtas at maayos na pamayanan.


Layunin ng pagsasanay na palawakin ang kaalaman at kasanayan ng mga BPATs, partikular ng mga barangay tanod, sa mga mahahalagang paksa tulad ng tamang pamamaraan ng pagposas at tamang pagtugon ng mga unang rumeresponde sa mga insidente.
Ang ganitong inisyatibo ay bahagi ng patuloy na programa ng PNP na paigtingin ang kakayahan ng mga katuwang sa komunidad upang matiyak ang mabilis, epektibo, at maayos na pagtugon sa anumang uri ng insidente o banta sa kapayapaan.