Coordination Meeting ng Barangay Drug Clearing Program, isinagawa sa Carmen, Bohol
Pinangunahan ng Carmen Municipal Police Station sa pamumuno ni PMAJ ROBERT NUDALO LUCERNAS, Chief of Police, ang isang mahalagang pulong kaugnay sa pagpapatupad ng Barangay Drug Clearing Program (BDCP) nito lamang ika-15 ng Oktubre 2025.
Dinaluhan ito nina Atty. Eliezer Cagol, Municipal Administrator, MADAC Focal Person Mrs. Melanie Unajan Silagan, at mga kalihim mula sa iba’t ibang barangay upang suriin ang kasalukuyang estado ng BDCP sa kanilang nasasakupan.
Layunin ng pagpupulong na ito na tugunan ang mga suliraning patuloy na kinakaharap ng mga barangay kaugnay sa ilegal na droga, kabilang na ang mga hamon sa pagpapatupad ng General Intervention Program, pagbuo ng strategic planning, at pagbibigay-diin sa kahalagahan ng tuloy-tuloy na pagsasagawa ng drug clearing activities at pagsunod sa tamang proseso.
Ang pagkakaisang ito ay patunay ng kanilang matibay na pangako tungo sa pagkakaroon ng isang komunidad na tunay na ligtas, mapayapa, at malaya sa droga.