Lecture ukol sa proteksiyon ng mga bata at kapayapaan sa komunidad, nilahukan ng mga residente sa Aurora

0
566467911_1834452063811597_2727545087293546143_n

Isang makabuluhang lecture ang nilahukan ng mga residente ng Brgy. Dibacong, Casiguran, Aurora nito lamang Oktubre 18, 2025.

Inisyatibo ito ng mga tauhan ng Aurora 2nd Provincial Mobile Force Company (PMFC) sa ilalim ng pamumuno ni PMaj Jude Bryan B. Maguddayao, Acting Force Commander.

Ang lecture ay tungkol sa Project B.E. C.A.R.E.F.U.L. o Barangay Empowerment on Children Abuse Resistance and Elimination, Fight Unwanted Lewd Design.

Ang naturang aktibidad ay isinagawa kasabay ng Assembly Meeting at tinalakay dito ang mahahalagang paksa tulad ng awareness laban sa child abuse, ilegal na droga, ELCAC, at mga payo sa crime prevention.

Layunin ng programang ito na palalimin ang kamalayan at pakikilahok ng mga mamamayan sa mga kampanya ng pamahalaan laban sa kriminalidad, rebelyon, at ilegal na droga, gayundin ang proteksyon ng mga bata at pagsusulong ng kapayapaan at kaayusan sa komunidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *