Mga mag-aaral ng Santander National High School, nakiisa sa Symposium Activity sa Cebu

0
viber_image_2025-10-19_13-39-34-901

Aktibong nakiisa ang mga mag-aaral ng Santander National High School sa Drug Abuse Education at Juvenile Laws sa ginanap na Joint BSP & GSP School Camp 2025 sa Santander National High School, Santander, Cebu, noong ika-19 ng Oktubre 2025.

Ito ay pinangunahan ng Santander MPS sa pamumuno ni ni PMAJ RAFAEL LORENZ G. SERION, Officer-in-Charge.

Layunin ng kanilang partisipasyon na maipabatid sa mga kabataang kalahok ang kahalagahan ng maagang kaalaman tungkol sa droga at mga batas na nagpoprotekta sa kabataan.

Patunay ang aktibidad na ito na ang Santander PNP ay hindi lamang nakatuon sa pagpapanatili ng seguridad, kundi aktibong katuwang sa edukasyon at paghubog sa kabataan tungo sa isang ligtas, disiplinado, at makabuluhang kinabukasan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *